Tuesday, March 21, 2006

rich in madness

Sadyang may mga bagay na hindi naipapaliwanag; kahit anong paghahanap at pagtatanong pa ang gawin, walang makakapagsabi sa akin kung bakit. O am I just denying?

I'm over you. Right. Kaya nga ako puro pananabik e. Kasi I'm over you.

Contradicting ba?

Yung mahigit isang buwan nating hindi pagkikita, akala ko naalis narin kita dito. Nakakatawa pero lalo akong naghanap. Malayo man ako sa La Salle, isip ko'y tila andun lang: ano kaya kulay ng suot niya, nasaan kaya siya ngayon, sino kaya kasama niya... Kaya naman kung anong galak ang nadama ko noong Martes ng gabi dahil kinabukasan ay balik klasrum na kami; mas malaki na ang posibilidad na masulyapan ka ulit.

Huwag na natin i-deny. Kung hindi man "I'll never get over you ang drama ko, panigurado "I'll have a hard time getting over you". I tried to divert my attention to other things, other male species -- isang paraan na napatunayan ko nang effective kung gusto makalimot -- ngunit sino ngayon ang ginagawan ng sulating ito? Hindi si Sir Caloy o si Alex o si Derick. Lahat na ginawa kong crush ngunit hindi ako nagtagumpay. Tila mas "OK" naman si Sir Emil kumpara sayo, itsura palang! Hindi ko talaga masabi kung anong meron sayo, e tulad ka rin naman nilang bagong mukha, acquaintance lang and out-of-my-reach! Ni wala tayong koneksyon!

Expect the unexpected. Kahapon hindi tumigil ang bumubulong sa aking isip. "Makakasalubong ko ba siya? Makakasalubong ko ba siya?" Kahit lampas 5pm na, umasa parin akong dadaan ka sa harap ko. Hanggang lumalim na ang gabi at imposibleng asa skul ka pa... At tsaka tayo nagkasalubong. A wish come true? Medyo, kasi ang pinapanabikan ko talaga ay yung magkasalubong ang ating mga tingin! HIndi man ganun ang nangyari (dahil hindi na talaga kita matingnan tulad ng dati) nakita parin kita at gayun din naman ikaw. Kaya ngayon, walang patid ang isip ko sa paglalaro ng pangyayari kahapon... kung pano kita nakita malayo palang, kung pano ko iniwasan ang iyong mga mata, kunwaring di kita nakita at yung fact na si Jay na naman ang kasama mo. Haay...

Gusto kitang makita muli; sana lang nagagawa ko paring titigan ka tulad dati -- natititigan kita hanggang sa tumingin ka rin at tsaka ko lang matatanto na nakatitig na pala ako. Gusto kitang makitang muli na naka-corporate attire o kaya yung naka cap. Gusto kitang makita muli na parang bata kung sumubo ng KFC Go-go sandwich. Gusto... kita.

Magkikita pa kaya tayo pagkatapos ng terminong ito? Naku, ilang araw nalang pala bago matapos itong 3rd term. Ayos naring di na, para lubusan na ang aking paghihilom at maka-move on na. Pero bakit ganun, may nagsasabi saking magkikita parin tayo? Pagnangyari yun, tatangis na naman ba ko ng ganito?

Ang hirap naman kausap ng pusong ito. Ano ba nakukuha ko sayo? Imbis na ako'y mapabuti, nade-depress lang ako. Nakakafocus ba ako? Masokista talaga ang puso. Alam namang masasaktan lang, eto, patuloy paring umaasa. Ayoko ng ganito, walang ginagawa -- puro reklamo, saloobin, pananangis... ngunit ano pa ba magagawa ko? LET THINGS FLOW AS THEY WOULD, WAG MO NG PANGUNAHAN. Some things are better when left alone. Pero hahayaan ko nalang ba??? O well, may ginawa na pala ako, dami nga e, pero talagang hindi ganun e.

Hindi kaya dahil you're the boy (man) of my dreams? Wow, alam ko pala kung family-oriented ka or what e. Then Chinese ka pa. So I can't say you're my ideal guy. Physically-attracted/infatuated? Haler??? I admit may itsura ka pero wow naman, pinangarap ko ring malahian ng katangkaran ang aming lahi! At mataba ka raw! Ayoko ng mataba... Pero yup, sobrang tulo ang laway ako sa porma mo-- lakas ng dating! I still can't believe na you're two years oldar than me when you look like a kid! Sarap mong kurutin sa mukha! I really like you're eyes and smile... Wait, I can't deny na you have brains too. After all, nagawa mong maging first honor kahit once. Hehe, sana nga lang di ko nalang nalaman na kaklase ka ni Alan sa ENGLTRI e. Nasabi ko ba? Ang korny ng short story mo? Pero tungkol yun sa ina so that's something. Gusto ko ng mama's boy, basta kasundo ko yung nanay, hehe! And I really admire you dahil hindi ka nag-ba-bag! Shockers, bakit hindi ko magawa yun? Naalala ko tuloy yung weird reactions ko kapag nakikita kitang may bag ka.

If only... hay, wag na. Alam ko na patutunguhan niyan... dose-dosenang entries na naman sa blog na to. Blame it for my unnatural hopefulness, if there's a word as such. Hanggat may bukas, pwede parin, hindi titigil!

Pusang gala, gusto ko magbasa ng Chapter 9!

PS Sabi sa radyo wag daw habol ng habol sa lalaking walang kwenta. Konting pride naman daw at dignidad... Oh well, I think this does not apply to me, unang-una di naman ako naghabol-- kahit nga sa tingin lang e! Second, wala ka bang kwenta? ...How will I know, you didn't give me a chance...

Gosh, reading my last statement, I do sound na nanligaw ako. OVER MY DEAD SEXY BODY. HIndi ako nanuyo, I didn't ask for your love! Atensyon pwede, at picture... pero yun lang. Whatever, like I care still.

PSS You know what occured to me yesterday? I'm dreading the time na makikita nga kita... pero di nag-iisa. At hindi si Jay, or John or si Franz ang kasama mo. You know what I mean. How did this come in me? Kahapon kasi, while walking towards the library, may nakita akong maliit na guy. Since I'm half praying na makasalubong ka I thought "Siya ba to?" Tapos nakita ko may katabing babae, sweet sila, you know the exact words in my mind? Shit, Sana hindi siya to. Utang na loob. Pero I wish you happiness, promise.

Though I admit part of me is praying na madelay ka pa... kahit two terms lang.

Sama ko ba?

1 Comments:

At Saturday, March 25, 2006 11:19:00 pm, Blogger cRazY_kRis said...

wag naman oi! kinawawa m nman, hindi n gumradu8 on tym!! hehe...
from JO:

sbi nila,
love makes ur heart beat fast..
ur body feel flushed w/ excitement
& ur mind go round in circles
naicip ko,love ba un?
prang HANG OVER eh...
as in hang over...hehe

 

Post a Comment

<< Home