Wednesday, February 01, 2006

continuation of yesterday's

ano na naman ito
sampung oras na naman ang nasayang
sana'y may nagawa man lamang
upang hinaharap ay lumiwanag
at ika'y matuwa sa akin

pero para saan pa
sadyang masakit ngunit tama na
mayroon ka ng iba
kahit ano pang ialay
mundo'y magkalayo't magkaiba

pero huwag ka
sa aking tabi'y may nagpupuno
kung di man kaligayahan
ay oras at pagamamahal
na kailanma'y iyong pinagdamot

kaya aking sasabihin
nabubuhay man ako para sayo lang
pipiliting ika'y ibaon na
harapin kahit mga gabing malamig
at magtatagumpay sa piling ng iba.



nakakaasar na
bakit ba sa aking mga tula
kung hindi kabiguan ang iniiyak
ay kasiyahan na dulot mo at ikaw lang
ngayong may iba rin naman sa buhay
pag-aaral, pamilya, kaibigan
andyan si Chuck Ali
o kaya'y si Raul Mitra ng PPS

hindi ako baliw sayo
hindi ako lulong sayo
at lalong hindi ako inlab sayo
ewan ko ba bakit
ginayuma mo ba ako?
tingnan mo
nakakalima na ako ngayong gabi
puro ikam ang tinatangis
kahit nga ang isang ito!
asar ka talaga
kailan mo ba ako titigilan
hindi ka naman cute!



--finale--

Weird things are happening to me
mas kabado ako kapag asa paligid ka
kaysa kapag magrereport ako sa klase
mas madami akong natatapos na tula
kaysa sa mga kabanatang dapat basahin
mas iniiyakan ka
kaysa sa mga hadya ng pumasang pagsusulit
mas namomoblema sa hindi mo pagtawag
kaysa sa dami ng takdang basahin
mas iniisip ang iyong mga ngiti
kaysa sa eksam kinabukasan
at mas nabubuhayan kapag ika'y dumadaan
kaysa kapag natatapos ang isang submodule.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home